.

Tadhana Lyrics

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang
Sakit at lahat na
Hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta

Bat di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo
Saan nga ba patungo
Naka yapak at na hihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bat di pa sabihin ang hindi mo maamin
Ipauubaya nalang ba to sa hangin
Wag mo ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sayo
Report lyrics