.

Luna Lyrics

Ano nanaman itong gumugulo
sa buhay ko
Bawat nakaw tingin
sinasalo lang ng hangin
Minamasdan
ang saya ng puso mo
sa piling ng iba

Inaasam
ang paglaya ng buwan
na laging mag-isa
Ano nanaman itong sinusuyo
ng luha ko
di na tatawag ng pansin
mawawala nalang sa hangin

Inaasam
ang saya ng puso mo
sa piling ng iba
Minamasdan
ang paglaya ng buwan
na laging mag-isa
Report lyrics