.

Ilang Alon Ang Dala Lyrics

k**upas na ang paningin
Sa loob ng rehas na dingding
Balisa ang aking damdamin
Takipsilim ay parating
Walang bituin na matanaw
Ang dila ko'y nalulusaw
Hindi mapawi ang uhaw
Ng tubig na mapakla at mapanglaw

Ang diyos ba'y nakalimot
O wala nang pakialam
Naubos na kaya
Ang awa sa palad niya

Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil na sala
Ilang alon ang dala
Ginapos ng mga kamay
Pagsisise lang ang taglay
Buong katawan ko'y nangamay
Paglapit sa hukay na naghihintay

Ang ngisi ng berdugo
Ang kislap ng kanyang patalim
Pumikit ka na lang
Ng hindi mo naramdaman
Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil ng sala
Ilang alon ang dala

Ang kalbaryo'y tapos na
Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil na salaIlang alon ang dala...

Tahimik na ang paligidat ang diwa ko ay naidlip
Report lyrics
Serve in Silence (1999)