.

Pasubali Lyrics

Kung pwede lang, 'wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa 'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba 'pagsisigawan
Na 'di mo na 'pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo

Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili, laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit
Ako'y mayro'ng batid
Ito'y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan 'to

Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba 'pagsisigawan
'Di mo na 'pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo
Naiintindihan mo ba?

Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba 'pagsisigawan
Na 'di mo na 'pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo

Nagsusumamo na sabihin mo
Hoh-hohh

[email protected]
add nmn sa friendster
Report lyrics