.

Harapin Lyrics

words & music: Dilay

saan ka nakalingon aking kaibigan?
hanggang kailan mo ito balak na iwasan?
ang panaho'y tumatakbong palayo
tagilid, pag-asa ang 'yong pagkakataong
lumaban sa agos at tumawid
anung magagawa ng maling nag-aakala
pagmasdan mo ang mukha
ng kung sinong pinagpala't
lagi nang nagtatanong
sa kasama'y laging may binubulong
handa ka bang harapin ang bukas na magaganap?
bakit lagi kang nag-aalinlangan?
wala ka naman laging dapat patunayan

lilinaw din ang himpapawid
may nakalaang daang matuwid
makikita mo sa wakas kung anong dahilan

handa ka bang tumayo at manindigan?
harapin ang bukas na magagnap..

--EMCYnonymous--
Report lyrics