.

Ang Bagong Dugo sa Lumang Ugat Lyrics

May halong takot at kaba sa iyong mga mata
Di na bale, wag ka nang mangilabot
Sa bulong at tinig namin
Nandiyan ang iyong ama
Galing sa iisang sanga
Sa atin ang matamis na bunga kanila ang mapakla
Ang lahat ng iutos ay iyong tutuparin
Salapi at kapangyarihan
Labis kang pagpapalain
Ako'ng unang sumundo
At kung pamilyar sa'yo
Ilang hari nasa trono
Ang may sungay sa anino

Libo-libo'ng masasaktan
Libo-libo'ng mawawalan
Libo-libong libingan
Libo-libong libo-libong
Ang bagong dugo (ang bagong dugo)
Sa lumang ugat (sa lumang ugat)
Manika sa aming kamay
Ika'y laruan lamang

Adlib....

Gamit iyong isip at diwa
Iyong bisig kaluluwa
Buhay mo man ang himig natin
Nakangiti mong ihahain
Ang bagong dugo (ang bagong dugo)
Sa lumang ugat (sa lumang ugat)
Manika sa aming kamay
Ika'y laruan lamang

Ang bagong dugo sa lumang ugat
Manika sa aming kamay
Ika'y laruan lamang

Laruan. laruan laruan laruan laruan
Report lyrics
Ang Bagong Dugo Sa Lumang Ugat - Unang Kabanata (2012)
Kandila Sandata Ang Bagong Dugo sa Lumang Ugat Bulag