.

Pasyal Lyrics

Isang araw tayo'y namasyal
Upang pagod natin matanggal
Kailangan nating maaliw
Bago tayo tuluyang mabaliw
Nagawi tayo sa may dagat
At sa ating pagmamasid
Biglang may batang sumisid at tayo'y nabigla
Dahil buong akala malalim ang dagat
Mababaw lang pala

Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang nating malaman
Mayroon pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Nagawi tayo sa isang tabi
May aleng naglalako ng cotton candy
Sarap t**igan, sarap kainin
Pero pag kinagatan, parang wala palang laman
Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang nating malaman
Mayroon pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Naakit at napabili tayo ng lobo
At di sinasadyang nabitawan
Di man lang nating hinabol
Hinayaang lumipad hanggang mawala
Hanggang makalimutan na natin
Kung bakit nga ba tayo naakit

Hanggang mapagod tayong umikot
Kung saan-saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang nating malaman
Mayroon pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Hanggang dito na lang..

Isang araw tayo'y namasyal
Upang pagod natin'y matanggal
Report lyrics