.

Dear Kuya Lyrics

Dear kuya, kamusta ka na dyan?
Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit
Ngunit kung b**agyo, para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin, mula nang ika'y magpasyang subukan
ang swerte
At abutin ang yong mga pangarap sa ibang bansa kung saan ikaw ay laging mag-isa
Kami tuloy dito, nag-aalala

[chorus]
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin at parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Oo nga pala, kung nasa iyo pa ang checkered na
polo ko, sa iyo na yan.
Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko
Mahal daw ang sine dyan.

Dambuhala raw mga pinapakain dyan, tataba ka malamang. Miss mo bang magtagalog? Kuya pag may k**ausap sa iyo
Galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya
[chorus 2x]

Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy, sulat ka palagi.
Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong
San ka raw nagpunta? San ka raw nagpunta?
Nasan ka na...
Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Report lyrics