.

Padayon Lyrics

Isang basong tubig galing sa poso
inutang na kanin at malamig na ginamos
kaunting asin sa plastik na platito
busog na bay, puwede nang magtrabaho
Sa aking balikat ay papasanin
tatlong-daang kilo ng asukal
limandaang sako ng denorado
sanlibong kaha ng delata
sampung tonelada ng arina

Kalawanging bubong, pader na may butas
posteng pilay at sahig na paduyan-duyan
ang aking palasyo'y pagkatibay-tibay
pero puwede na 'pre - tuloy ang hanapbuhay
Ngayong araw ay tatapusin ko
isang subdibisyon, limampung hektarya
tatlong dosenang mansyon na magara
higanteng gusaling likha sa s****to
kilo-kilometro ng kalsada

Oo, kay tamis ng buhay
oo, kay daling umasenso
hangarin ko'y makatikim
ng kaunting hayahay
subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay
Pagkat walang ibang
makagagawa nito
paandarin ang makinarya
bigyan ng buhay ang industriya
patakbuhin ang ekonomiya
padayunon ang pagpangita
Padayon . . .
Report lyrics
Isang Ugat, Isang Dugo (2006)
Isang Bandila Golden Boy Things Are Getting Comlicated Tupperware Party Ilog My Sanctuary Things Within Healing Romantic Kill Never The Bright Lights Padayon Inosente Lang Ang Nagtataka Sumigaw, Umawit Ka