.

Isang Minuto Sa Buhay Ko Lyrics

Gaya ng mga istoryang
Naluluma sa isipan
Paulit-ulit lang ang kwento
Buong akala'y may nagbabago
Walang katapusan
Walang katapusan
Gaya sa akin akala ay
'Patay mali ang ending'
Ang 'di mo lang alam
Bandang huli
Sa akin pa rin ang sisi
Walang katapusan
Walang katapusan
Hindi ko na
Nanaisin pang baguhin
Ang damdaming
Sa palagay ko'y
'Di na kaya pang
Suyuin kahit sandali
At pilit mong iwawaksi
Ang kalungkutang
b**alot na sa aking katauhan...
Ang hindi lubos maisip
Bakit 'isang minuto lang naman'
At 'di mo pa mapagbigyan...
At sa biglang pagpihit
Ay maiisip ko pa rin ikaw!!!
Report lyrics