.

Spoliarium Lyrics

Dumilim ang paligid
may tumawag sa pangalan ko
labing isang palapag
tinanong kung okey lang ako
sabay abot ng baso
may naghihintay
at bakit ba 'pag nagsawa na ako
bigla na lang ayoko na
At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan
San Juan, di ko na nasasakyan
ang lahat ng bagay ay
gumuguhit na lang sa 'king lalamunan

Ewan ko at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba tumilapon ang
gintong alak diyan sa paligid mo?
At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

Umiyak ang umaga (hmm)
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
sa gintong salamin di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura

Ewan ko at ewan natin
Sinong may pakana?
At bakit ba tumilapon ang spoliarium
diyan sa paligid mo?
At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo

Pwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
Pwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot ng mundo
ang pag-ikot...
Report lyrics