.

Ang Huling El Bimbo Lyrics

Kamukha mo si paraluma,
Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
mapa-Boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
ay ang pagsayaw mo ng El BImbo
Nakakaindak, nakakaaliw
nakakatindig balahibo
Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo
at buong maghapon ay tinuturuan mo ako...

chorus:
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko
na umibig na tunay

Naninigas ang aking katawan
pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
habang tayo'y magkaakbay
at dahan-dahang dumudulas
ang kamay ko sa makinis mong braso
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay, ito lang ang alam ko

chorus

Lalala...lala...lala..lalala...
Lumipas ang maraming taon
Di na tayo nagkita
balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka daw ng pinggan
sa may Ermita
At isang gabi, nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita...ha...

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw...

chorus

Lalalla...lala..lala..lalala...
Report lyrics