.

Wala Nang Hahanapin Pa Lyrics

Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
'Di naman daw nagdududa, naniniguro lang.
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa.
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya,
Wala nang hahanapin pa.

'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
ng oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na ikaw ay itatabi.
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa.
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya,
Wala nang hahanapin pa.

'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan.
'Di aamin ng mali, magbabagong isip lang.
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
Sinasamba ko siya,
Minamahal ko pa,
Walang kaduda-duda,
Wala nang hahanapin pa.
Report lyrics
Mga Kuwento ng Apo (1990)
Syotang Pa-Class Huwag Masanay Sa Pagmamahal Wala Nang Hahanapin Pa Mahal Pa Rin Kita Alipin ng Mundo Di Na Natuto Awit ng Barkada Magkikita Rin Tayo Sa Bawat Umaga Piece Of The Peace