.

Pag-Ibig Lyrics

No'ng tangan ng nanay ang munting mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa, panatag ang loob
Sa damdaming ika'y mahal
No'ng nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita

CHORUS 1
Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang
Matuto kung papa'no magmahal
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit
No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

CHORUS 2
Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At 'di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng 'yong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit
'Di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit
[Repeat]
Report lyrics
Pagkatapos Ng Palabas (1978)
Pumapatak Ang Ulan Hanggang May Pag-Ibig Lumang Tugtugin Nakapagtataka Oh Bumalik Ka Sana Pag-Ibig Pag-ibig Mong Kay Ganda (Sana Ito'y Di Mawala) Bakit Ang Babae Sa Tagal ng Pagsasama (Tila Mas Mahirap Maintindihan) Kaibigan Pagkatapos ng Palabas