.

k**usta Na Lyrics

k**usta na, ayos pa ba ang buhay natin, kaya pa ba eh kung hinde, paano na ewan mo ba, bahala na?

napanood kita sa tv, sumama ka sa rali kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto
dala-dala mo pa, estatwa ni sto. nino eskapularyo't bibliya, sangkatutak na rosaryo
at sa gitna ng edsa, lumuhod ka't nagdasal pa our father, hail mary from thy bounty thru christ our lord amen
pebrero, bente-sais nang si apo ay umalis ngiti mo'y hanggang tenga sa kakatalon, napunit a'ng pantalon mo
pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye

nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton huminto sa may robinson, tumanga buong maghapon
sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may edsa

ewan mo ba, bahala na bahala na, bahala na
Report lyrics