.

Sa Isang Bote Ng Alak Lyrics

Sa isang bote ng alak tayo nagsimula
Mga panahong tayo'y walang-wala
Pero kahit ganon,
Masaya tayo noon
Nagkakasya sa simpleng panahon
Hanggang sa lumipas na nga ang maraming taon
May kanya-kanya na tayong buhay ngayon
Pero kahit gan'to,
Nagkikita pa rin tayo
Sa isang bote pa rin nagsasalo

Refrain:
Nagbago man ang araw
At sa alak ay di na nauuhaw
Basta't kayo mga kaibigan
Ako'y nand'yan
Chorus:
Sari saring istorya
Saan pa tayo pupunta?
Iba't-ibang kwento
Ng buhay nyo ng buhay ko

Nawawala man ang iba
Buhay pa rin sa alaala
Tuloy pa rin ang tropa
Sa hirap at ginhawa
Ano bang balita, meron bang napasama?
Sana'y natupad pangarap natin nung bata
Pero ano pa man
Tayo'y pareho lang
Sa isang bote ng alak kaibigan

Wala na ngang mas gaganda sa ala-alang nagdaan
Mga pinagsamahang may konting kalokohan
Magwawakas na ba?
At huwag naman sana
Sa isang bote tayo'y mag kanya-kanya
ahhh ahh ahh
Report lyrics
Hiwaga (2003)