.

Maligayang Pasko Lyrics

Naitayo mo na ba ang christmas tree?
May pang regalo ka na ba sa inaanak mong marami?
Naisabit mo na ba ang parol?
Sa okasyong ito di ka na ba magagahol ?
At sa pagkakakataong ito kami naman ang babati
Sana'y maibigan nyo ang mga kanta kung maaari
Magpahinga muna at sumandal lang sandali
Handa na ang aming tambol gitara at buong barkada
Koro:
Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa inyo...oh!! !
Naibili ka na ba ng damit na bago?
May aginaldo ka na ba sa ninong at ninang mo?
Gawa na ba ang yong tambol na lata?
Sa noche buena ba ay may kasalo kang pamilya?
At sa pagkakataong ito kami naman ang aawit
Bagong matututunan nyong mga batang paslit
Itigil muna ang laro at samin ay lumapit
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

(Ulitin ang Koro)
At sa pagkakataong ito magsama sama tayo
Pagmamahal sa kapwa ilaganap sa mundo
Sabay sabay tayong umawit sa diwa ng pa sko
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada
Report lyrics
Karoling (2001)
Maligayang Pasko Karoling Hiling Simbang Tabi Yan Ang Pasko Pasko Ang Araw Ng Pag-Ibig Santa Klaws Tayo Na, Tayo Na Sa Pagsapit Ng Kapaskuhan Ngayong Pasko Ano Ang Babaguhin Ko Sa Bagong Taon Bagong Taon Na Naman