.

Foodtrip Lyrics

Foodtrip

(Lourd and Francis de Veyra)
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Bawang na China
Pechay na Malaysia
At tsaka meron pang
Presidenteng tanga

Itin na tanim
May dugo sa salamin
May dugo sa sandok
Mas mura ang banyagang manok
May libreng sakit

May dugo sa 'yong kape
Pano ka nakakatulog sa gabi
Sibuyas na state side
Ubas na may cyanide
At salamat na lang
Sa gobyernong halang
Pansit na Hongkong
Italyanong tahong
At sa paligid-logid
Ay maraming tanong

Naku mare
Ang mura-mura na ng sibuyas ngayon
Naku mre
Ang mura-mura na ng bawang
Ang mura-mura na
Ang mura-mura na
Ang dali-dali ng maggisa
Ang dali-dali ng maggisa
Ang bansa natin dahan-dahang ginigisa
Ang taong bayan
Piniprito sa sariling dugo at pawis
Pero di bale, masarap naman
Masarap naman kung merong konting dugo
Kung merong konting dugo ang
Bigas, sibuyas, kamatis mais kamote
Ang sarap k**ain ng murang-murang gulay
Ang sarap-sarap ding k**ain
Ng murang-murang buhay

Patay na ang mga palayan
Habang nagtatabaan ang mga taga-malacaƱang
Naka-amerkano ang bandido
Ok lang, maganda naman ang merkado
Pero may dugo sa
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote

Nagugutom ka na ba?
Report lyrics
Tanginamo Andaming Nagugutom sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin (2007)
George Estregan Groove Explosion Wasak na Wasak Basagan ng Mukha Bisikleta Alak, Sugal, Kape, Babae, Kabaong Superhatdog Raul Aragon = Ricky Torre Mambo Rat Foodtrip Nasusunog ang Maynila For Adult's Only Sisboombay