.

Lastikman Lyrics

Handa siyang dumaan sa butas ng karayom
Lahat ay gagawin maligtas lamang tayo
Mga pagsubok ay kanyang handang labanan
Sa ngalan ng mga kailnangan niyang tulungan
Walang susuko, walang susuko
Habang buhay, buhay din ang kanyang pangako
Walang susuko, walang susuko
Handang ialay kahit na kaniyang dugo (huwag lang lahat)

Kapag salbahe ka kailangan mong mag-ingat
Pagkat abot ka niya kapag siya ay umunat
Mga kalaban ay kaniyang pupuluputan
Sa ngalan ng mga kailangan niyang tulungan
Walang tatalo, walang tatalo
Sa taglay niyang lakas, likas sa kaniyang puso
Walng atrasan, walang atrasan
Mga kalaban ay hindi niya uurungan, lastikman

Walang susuko, walang tatalo
Sa taglay niyang lakas, likas sa kaniyang puso
Walang atrasan, mga kalaban
Walang kalaban-laban sa kapangyarihan ni lastikman
Report lyrics