.

Gising Na Lyrics

Gising na
Buksan ang iyong mga mata gising na
Halina at silipin ang pagdilat ng umaga
Tahimik at saksakan ng ganda
Gising na
Nandiyan na ang umaga gising na
Nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
At pungay ng iyong mga mata

Kanina pa kita pinagmamasdan
Kanina pa kita tahimik na binabantayan
Hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
Sadiyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha
Gising na buksan and iyong mga mata gising na
Mayron sana akong gustong sabihin sa iyo
Na di mapaliwanag ng husto

Gising na nandiyan na ang umaga gising na
Hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
Ang kasiyahan na nadarama
Tuwing nandiyan ka
Binabalak ko ng sabihin na minamahal kita
Kasabay na pag sipol ng wala na yatang igaganda pa
Nagsama ang ginaw at ang lamig ng araw
Ngunit dala ng kaba
Hindi ko yata kayang magsalita

Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin
Ngunit walang magagawa di pa kayang aminin
Ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
Di na lang kita gigisingin...
Report lyrics
Jingle Balls, Silent Night, Holy Cow (1998)
Namamasko Po Hosanna Ngayong Pasko Silver Bells (Filler) Simbang Gabi I Saw Mommy Gising Na Olops Maybe Someday Gift Rappers (Filler) Tamad Si Santa Happy New Year Pedro the Basuraman (Filler) Christmas Party Mano Po Ninong (Filler) My Shattered Belief Parol Ni Edgar Noel Trinidad (Filler) Pagbati Christmas Bonus