.

Peksman Lyrics

Hindi na ba mapipigil ang pagdurusa kong ito
Wala na kayang katapusan ang paghahabol ko sa 'yo
Hindi mo ba ako pagbibigyan na ika'y makilala man lang
Heto na 'kong halos magkandarapa
Sa pagka-KSP bigay todo lang
Sadya bang walang pagtingin ka sa 'kin
O di mo lang ako pansin
Pagka't nagsusumigaw ang puso ko
Sana ito'y malaman mo

Chorus:
'Di bola yan, peksman...ma-dedbol man sige lang
Ikaw ang syang pangarap ko
Tanging inaasam na ika'y makamtan
Ang dinarasal ng aking puso
'Wag na sanang mag-alinlangan sa 'kin
Pagka't ako'y sobrang nabibitin
Laging langit na lang 'pag ika'y kapiling
Giliw ko ako'y iyong dinggin
Damdamin ko ba'y iyong nilalaro at kunwari'y 'di nabibisto
Na nais mo lang ang ako'y pahirapan, ang pasensya ko'y sinusubukan
Tanggapin mo pa rin ang aking pag-alay pagkat't ika'y sadyang walang kapantay
Dulot mo'y kasiyahan, langit ang hangganan
Mga araw ko'y tanggal ang lumbay
Ano pa ba ang dapat gawin giliw ko
Sana'y tanggapin mo na ang aking pag-samo
Pagka't nagsusumigaw ang puso ko
Sana ito'y malaman mo
Report lyrics
Ogie - All the Classics (disc 1) (2007)