.

Parang Kapiling Lyrics

sadyang kay hirap na ikay mapalayo
araw gabi kang hinahanap
bawat minuto ng bawat oras
nais maramdaman iyong yakap
alam ko na di maaari
makapiling ka'y di muna mangyayari
kaya't aking dinarasal lagi
ang ikaw ay makausap, marinig

tangi kong hiling
ang ngayo'y narito ka saking piling
ngunit kahit kay layo mo, tila ba narito ka
pagkat sa tinig mo'y parang kapiling na
alam ko na di maaari
makapiling ka'y di muna mangyayari
kaya't aking dinarasal lagi
makausap ka at aking marinig

tangi kong hiling
ang ngayo'y narito ka saking piling
ngunit kahit kay layo mo, tila ba narito ka
pagkat sa tinig mo'y parang kapiling na
tangi kong hiling
ang ngayo'y narito ka saking piling
ngunit kahit kay layo mo, tila ba narito ka
pagkat sa tinig mo'y parang kapiling na

pagkat kung marinig ka lang
puso ko'y sumasaya
sa tinig mo mahal,
parang kapiling na...
Report lyrics
OPM Klasiks (2005)
Beep Beep Each Day With You Interlude I Binibini Naaalala Ka Eto Na Naman Narito Ako Interlude II Reachin' Out Nasaan Ngayon at Kailanman (instrumental) Sana ay Ikaw Na Nga Umagang Kay Ganda Dinggin Parang Kapiling Sumayaw, Sumunod Dahil Wala Ka Na