.

Panaginip Lyrics

Paggising ika'y nasa aking piling
Ang ulap, ating aabutin
Hawak-kamay nating raramdamin
Ang simoy ng hangin na kaytamis
Ngunit luha ko'y walang kasimpait
Damdaming di na yata matatahimik
Pagkat ito'y isang panaginip

Pag-ibig nating walang hanggan
Sila'y masaya sa ating pagmamahalan
Ngalalaro sa hangin
Bukas-matang tumalon sa bangin
Ang simoy ng hangin na kaytamis
Ngunit luha ko'y walang kasimpait
Damdaming di na yata matatahimik
Pagkat ito'y isang panaginip

Sakay sa daan papuntang langit
Ngunit puting damit, oh di na magagamit
Bulaklak at singsing nawala sa aking paningin
Sa aking paningin...
Report lyrics