.

Awiting Pilipino Lyrics

Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na damdamin
Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na sariling atin
Ang damdaming pilipino
Nagbuhat pa sa unang tribo
Di na natin makita
Di na natin madama
Nasaan ang ating diwa
Pagmasdan n'yo ang mga luha
Nasaan ang pagmamahal
Pagmamahal sa sariling diwa
Wala na ang awit
Ang awiting pilipino
Wala na ang himig
Himig ng mga puso
Di na natin matignan
Kahit isang sulyap man lang
Di na natin mapagbigyan
Batiin ang sariling bayan
Subukan n'yo naman
Ang awiting pilipino

Tulungan n'yo naman

Mahabag kayo sa ating bayan
Report lyrics