.

Sino Ang Baliw Lyrics

ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
may isang sa yaman ay salapi ang hinihigan ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

sinasambit ng baliw awit na walang laman ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
may isang hindi baliw, iba ang awit na alam buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
sinong dakila sino ang tunay na baliw sinong mapalad
sinong tumatawag ng habag yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
may binatang ang gayak panay diyamante at hiyas ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat
sinong dakila sino ang tunay na baliw sinong mapalad
sinong tumatawag ng habag yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

ooh.....ahh.......

sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
ngunit kung tayo ay hahatulang sabay sa mata ng maykapal, siya'y higit na banal

sinong dakila sino ang tunay na baliw sinong mapalad
sinong tumatawag ng habag yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos
kaya't sino, sino, sino nga sino nga ba sino nga ba sino nga ba ang tunay na baliw
Report lyrics