.

Buti na Lang (feat. Mcoy Fundales of Kenyo) Lyrics

Chorus:

Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon

Malalaman ng iba na puro angas ka lang

Buti na lang hindi ako mayabang

Buti na lang hindi ako mayabang

Verse 1:

Kasi sabi ng aking Itay anak ko pang magyayabang

Wag mong buhatin ang bag ko kahit medyo magaan

Di pa napipisa ang itlog ay wag kang magbilang

Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang

Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling

Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling

Kasi halata naman at napapag-alaman

Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman

Mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna

Sa huling mong ginawa wala pang nakakabura

Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot

Na mahirap dukutin kasi medyo malamot

Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat

Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat

Kailangang bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat

Kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat lahat

Chorus:

Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang

Buti na lang hindi ako mayabang

Buti na lang hindi ako mayabang

Verse 2:

Sabi ng aking Inay wag mong tawanan ang pilay

Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay

Sa mga namamalimos, mga naghihikahos

Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos

Teka mali hilamos para maiayos

Wala kang tsinelas pano magkakasapatos

Wag mong ipagmalaki na ika'y pinangaralan

Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang

Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang

Ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang (Representing South Side)

Masorpresa mga bato sa baybati

Sa kapitbahay niya doon sa monumento

Malabo pa sa tveng sira ang antennae nakagiba
Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila

Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayod sa lupa

Para di ka madulas bago ang alikabok kong lupa

Chorus:

Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon

Malalaman ng iba na puro angas ka lang

Buti na lang hindi ako mayabang

Buti na lang hindi ako mayabang

Verse 3:

Madami akong pera magaling ako na rapper

Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster

Nakapila mga chicks pero hindi yong manok

Yong tipong mga s**y at mahahaba ang buhok

Madami ko nang award dala ng aking bodyguard

Hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart

Kita mo tong mga bling bling e pero maningning

Mga plakerang album nakasabit sa dingding

Magara aking auto b**abayaw ang cells ko

Hindi ito commercial homie ang the prize to

Madami akong pera magaling ako na rapper

Yan aking mga fans tingnan mo dito sa Friendster
Report lyrics
Talumpati (2011)
Intro ni Aristotle (feat. Top Suzara on Guitars) Buti na Lang (feat. Mcoy Fundales of Kenyo) Bugtong (feat. Yeng Constantino) Akin Lang Naman (feat. G-Dawg) Walang Natira (feat. Sheng Belmonte) Baon (feat. Gab Chee Kee of Parokya Ni Edgar) Reporter Part 1 Atik Laham (feat. Wency Cornejo) Tissue Rap Showdown Salbahe (feat. Tanya Markova) Reporter Part 2 Elmer (feat. Jaq Dionisio and Jose Ma. Linao) Gusto Ko (feat. Wonder Twins Sean Daniel and Daniele Shaun) Kislap (feat. Aiza Seguerra) Talumpati (feat. Ala de Leon and Pointblanc)