.

Siga Lyrics

Sino ang maton, may pusong de mamon
walang atrasan sa mga laban, kahit sinong mang hamon
Ako'y isang maton, at tila kamagong
ang aking pagkalalaki, kahit sinong mag tanong
CHORUS:
Dahil ako'y siga, feeling mahina, ang matapang lumabas
kahit sa anong bakbakan , papalag ng matigas
Ako'y siga feeling mahina, ang matapang lumabas
kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan

VERSE 1:
Tattoo sa balat , bali tong kagat
pag ako'y lumapang ay tiklopan lahat
Kay bilis k**aripas , walang kaparehas
kasing tigas ng braso ko , ang malamig na rehas

Ako lang ang may kalyong, may kalyo parang tatto
sa dami ng sinapak,ang lahat pinakaba ko
Parang yello sa bulok ng ngipin nakakangilo
pag tinamaan ka sa panga, sigurado kang hilo

Ano ba talaga (ano ba talaga)
ang tunay na kahulugan (tunay na kahulugan)
Ang katagang siga (siga siga)
subukan natin kalagan
Laging kinakatakutan,
sakit sa katawan pag ika'y inabutan
walang makapalag kahit na may binatukan
Balde ng kamao, ika'y pinapaliguan

(Chorus)

VERSE 2:
Sa panahon ngayon ay iba na,nilalaman pahina
Basahin mo lumapit ka ,wag kang bibitaw k**apit ka
Tawagin mong sinungaling
parang kabaluktutan na pinilit maibaling

Upang maging diretso baguhin ang palaging
gamit na panindak kahit walang pahapahaging
Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
pakuluin ng lumambot ang butil ng bigas
Sabawat hibla ng palay, tahakin ang tama kahit na maputik at madulas
sino ba ang duwag basag ang mukha , hindi sumalag
Ngunit sa gapos ng buhay pumiglas kinalas
pagkain para sa pamilya sa hapag nilapag (yan ang siga)

Sino ang maton, may pusong de mamon
walang atrasan sa mga laban, kahit sinong mang hamon
Ako'y isang maton, at tila kamagong
ang aking pagkalalaki, kahit sinong mag tanong

(Chorus)

Matapang pagdating sa kapakanan ng iba
maangas ka pagkaharap ang hamon ng iba
di pasisindak sa takot at kaba
gabi gabi hinaan ng kanyang mga tatto
Kahit bugbog sarado hindi mag papatalo
kapag pinabagsak agad agad b**abangon
Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas
itaas ang bandila ng makabagong siga
Report lyrics
Top Gloc-9 feat. Quest Lyrics