.

Dapat Tama Lyrics

Artist: Gloc 9 Ft. Denise Barbacena
t**le: Dapat Tama
Album: Dapat Tama
Dahil sa dulo bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili 'pag ang tinta ay humalik
Sa daliri ng siyang ginamit at nagturo
Nawala ay maibalik, dapt tama!
Alam natin ang tama ba't 'di natin ginagawa
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong nagsimula
Simula nang simula bakit walang natatapos
Atras abante lagi pudpod nang swelas ng sapatos

Ilang beses nangako ilang beses napako
ba't 'di natin subukan na tulungan at umako
b**ahagi sa bigat na matagal na nating pasan
'pag tayo'y nagsama-sama lahat ay malalampasan

May mas maayos na bukas para sa 'ting mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota 'wag na tayong magpauto
Na sa'tin ang kapangyarihan 'pag tayo ang k**ibo

Nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong 'di ka na kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung 'di tayo kombinsido wag na nating ihalal

Dahil sa dulo bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili 'pag ang tinta ay humalik
Sa daliri ng siyang ginamit at nagturo
Nawala ay maibalik, dapt tama!

Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong-lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli (Dapat tama)
Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong-lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli (Dapat tama)

Itama nating ang gabay huwag na tayong magreklamo
Itaas ang kamay ng gusto ang pag-asenso
Balikat na magkaakbay hinding hindi tayo susuko
Malalakas na boses sabay-sabay mangako!

Kung walang nagpapaloko wala nang manloloko
Ang mga botanteng Pilipino ay 'di mga bobo
Lumiyab 'pag madilim ituwid ang tiwali
Hindi ganon kasimple 'to 'di kailangang magmadali

Ang tiwalang inagaw sa taong maneng-mane
Kahit saan nating pilitin na tingna'y mailng-mali
Umahon sa kahirapan at lumangoy sa k**unoy
Kahit ano pang iharang ay tumuloy nang tumuloy
Pagdating ng eleksyon, ito ang dapat na panata
Isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan

Huwag kang mag-aalangan na hawakan
Ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog tuluy-tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumigaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay nasa aming mga kamay!

Dahil sa dulo bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili 'pag ang tinta ay humalik
Sa daliri ng siyang ginamit at nagturo
Nawala ay maibalik, dapt tama!

Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong-lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli (Dapat tama)

Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong-lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati'y makabangon muli (Dapat tama)

Length: 03:38
Report lyrics
Top Gloc-9 feat. Denise Barbacena Lyrics