.

Habilin Lyrics

pangarapin mo bunso
ang isang magandang mundo
mali ng aming panahon
sa panahon mo iwasto
magsumikap ka lagi
nang matupad anumang mithi
wag kang tumigil sa pangarap
diyan kami mali
bukas mamanahin mo
buti namin at sama
bukas malalaman mo
ikaw nga ay pagasa
kung saan kami nadapa
doon b**angon ka

maging matalino ka
matutong magsala
mga turo namin sa iyo
di kami laging tama
panahon mong kinagisnan
iba sa aming nasaksihan
kayat tayo'y nagtatalo
huli na nanag malaman
bukas mamanahin mo
buti nami't sama
bukas malalaman mo
ikaw nga ay pagasa
kung saan kami nadapa
doon b**angon ka

doon b**angon ka
doon b**angon ka
tawag ng iyong bayan
lagi mong dinggin
pagiisa ay iwasan
wala kang mararating
bahagi ka ng mundo
kaya't sa iyong mga tagumpay
kapwa mo ay idamay
diyan kami kulang

bukas mamanahin mo
buti nami't sama
bukas malalaman
ikaw nga ay pagasa
kung saan kami nadapa
doon b**angon ka
kung ano'ng aming tama
bukas palawakin pa
Report lyrics