.

Balita Lyrics

lapit mga kaibigan at makinig kayo
ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento at
ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
I
Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong di makalipad nasa hawlang ginto
may mga puno walang dahon
mga pusong di makakibo
sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

II
mula ng makita ko ang lupang ito
nakita ko rin ng munting apoy sa puso ng tao
ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago,
ngayon ang puso'y may takot sa lupang ipinangako
lapit mga kaibigan at makinig kayo
ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento at
ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

III
dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
dati rati'y ang mga ibon sinlaya ng tao
dati rati ay katahimikan, ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang muwang sa mundo
IV
ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
ng taong una n'yong dadamhing kapilang sa inyo

V
duol mga kaigsuonan ug paminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga i-pahibalo ang mga istorya nga naga gahitabo sa banwang gisaad nato
Report lyrics
Himig Ng Pag-Ibig (1979)
Sandaklot Balita Pag-Asa Baguio Himif Ng Pag-Ibig Magnanakawq Para Kay Agnes Hangin Kahapon At Pag-Ibig Dasal At Katutubong Musika