.

Ikaw Na Ang Bahala (Panalangin) Lyrics

Ang ganda ng buhay, mahal kong Diyos
Sana papuri sa 'Yoy tunay na malubos
Nais kong mabuhay sa mundong kay ganda
Na dinadakila'y pangalan Mo tuwina
[Chorus]
Ikaw na ang bahala sa amin Ama
At sa mga araw na darating pa
Dalangin namin ay pagpalain Mo sana
Ikaw ang pag-ibig namin at pag-asa
Ikaw na ang bahala sa amin Ama
At sa mga araw na darating pa
Tanging sa 'Yo lamang hihingi ng awa
Sa bawat sandali Ikaw na ang bahala

Makulay ang buhay, mahal kong Diyos
Sana pagmamahal Mo sa mundo'y mabuhos
Salamat sa pag-ibig na nasa puso ko
Salamat sa buhay na galing sa Iyo
(Repeat Chorus 2x)

Sa bawat sandali Ikaw na ang bahala
Report lyrics