.

Pikit Lyrics

sa isang saglit ay babalik..
nagdadasal ng nakapikit...

mapapatawad mo kaya ako
kung iwanan ko ng sandali ang mundo mo
at b**alik sa kung saan ako huling nangarap ng gising
at nadama kong totoo ang ihip ng hangin
paulit-ulit ang mga gabing di makatulog, nahuhulog sa isang madilim na sulok..
naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng paraan sa kung paano at kailan at kung anupang dahilan

sa isang saglit magbabalik..
nagdadasal ng nakapikit..

mapapatawad mo pa ba ako sa tuwing nawawala ako sa sarili kong mundong parisukat..

dala-dala mga gawa-gawang saklay, alam kong hirap kang sumabay..

alam mong hirap ako..

paulit-ulit ang mga araw na parang kaytagal-tagal, ang oras parang kaybagal-bagal..

naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng mga sagot sa kung paano at kailan at kung anupang dahilan...
sa isang saglit magbabalik..
nagdadasal ng nakapikit..
magbabalik sa isang saglit..
nagdadasal ng nakapikit..nakapikit...
Report lyrics
Peryodiko (2009)
Pikit Agawan Base Tayo Lihim Huminga Milenyo Piraso Paglaya Kumapit Ka Tuwing Lunes Bakasyon Walang Kapalit