.

Hindi Sapat Lyrics

Tubig na iinumin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay

Saya mong mahaba na nagka gutay gutay
Retasong pang ginaw sa gabing matamlay
Aking ina'y
Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima

Samin ay wala nang iba
Di sapat ang salamat ina'y

Nanay mommy ina
Mama unang mamang ina

Dapat nyong Malaman
Isisigaw na ikaw ang aking ina'y

I.
Siyam na buwan sayong sinapupunan dinala
Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka

Mapagbigay hindi iniisip ang sarili
At kay itay ikaw ang palaging humahalili

Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling
Pag kinuha ko ang buhat nyo agad umiiling
Kaya ko na ito anak baka mahuli ka sa klase
Tinapay na pinalamanan ang baon palagi

Madaling araw kung gumising para lang makapag
luto
Maghapon maglalako para sa maliit na tubo

Pambayad naming sa ilaw tubig kuryente
kahit kulang ang sweldo palaging meron pamalengke

Mawalang galang na nanay pasensyahan nyo na
Ang pag suway ko bay pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pag yayabang yan ang palaging bilin nya
Pag sisigawan kung gano kapalad na ikaw ang siyang aking ina

II.
Puyat pagod sinat hagod
Saing hain hugas kayod
Sahod na may kapos hindi ka makakalimot
Na sindihan ng posporo kandilang tinusok

Sa ibabaw ng mamon na balot ng matamis
Regalo mo taon taon tila napakabilis

Isang babae na di marunong maningil ng buwis
Minsay nakakainis minamani mo ang tiis

Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit
Mano sa kanang kamay sa noo ko ididikit

Kahit gabutil ng bunagin pipiliting ibalik
Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit

mawalang galang na nanay pasensyahan nyo na
Ang pag suway ko bay pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pag yayabang yan ang palaging bilin nya
Pag sisigawan kung gano kapalad na ikaw ang siyang aking ina
Report lyrics
Top Gloc-9 feat. Denise Barbacena Lyrics