.

Okay Lang Lyrics

Heto na naman ang dilim
Unti-unting b**abalot sa hangin
Dito ka sa akin lumapit
Na parang basag na salamin
[Refrain]
Alam ko ang iyong gusto
Ang mapawi ang lungkot
Isip mo'y litong-lito
At maraming tanong ng puso

[Chorus]
Okay lang, ayos lang
Kung hindi para sa'yo
'Wag ka nang magtampo
Okay lang, kapit lang
At hindi magtatagal
Liliwanag muli ang mundo
Ngumiti ka lang, kaibigan
Pagkat ang buhay natin ay sadyang ganyan
Dumarating ang kabiguan
Ngunit ang pag-asa ay laging nand'yan

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Kahit anong mangyari
'Wag kang bibitaw
'Wag kang bibitaw

(Repeat Chorus)

At hindi magtatagal
Liliwanag muli ang mundo

At hindi magtatagal
Liliwanag muli ang mundo
Report lyrics