.

Payaso (Live) Lyrics

Kilala n'yo na ba ako?
Ano na naman 'tong deliryo?
Dapat bang matuwa?
O dapat malumbay?

Sige lang nang sige
Hangga't mapanis ang ngiti
Tuloy ang ligaya, sige mangiliti
Handa ka na ba

Para tanggapin ako
Tatawanan n'yo ba
Ang isang payaso


Hindi naman maangas
Hindi rin totoo
Kapag may maskara ang tao
Marami siyang matatago

Trabaho niya'y tumawa
Pero gusto ring umiyak
Sa gusto niya't hindi
Sila'y magagalak
Handa ka na ba
Para tanggapin ako
Tatawanan n'yo ba
Ang isang tulad ko

Hindi na baguhan
Sa pagkukunwari
Manhid na siya sa lason
Lason ng ngiti
Eskapo niya 'to sa hirap
At sa sakit ng mundo
Reyalidad niyang ito
Binibigay sa iyo
Ikaw at ako


May mga maskara din tayo
Kamandag ng katotohanan
Ang siyang lalaya sa isipan
Report lyrics