.

Nakapagtataka Lyrics

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh...
Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno nang iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka...
Hindi ka ba napapagod o di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhan walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan ba't di tayo magkasunduan?

Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?

Napahid ng mga luha damdamin at puso'y tigang

Report lyrics