.

Pasko ng Paglaya Lyrics

Panginoon, hanggang kailan kami magdurusa
Panginoon, kailan sisikat umaga ng paglaya
Panginoon, dumating Ka na
Kupkupin kami sa 'Yong awa
Kupkupin kami sa 'Yong awa
Narito na ang Pasko ng paglaya
Bayan magalak sa mabuting balita
Tumingala at pawiin ang luha
Narito na ang pinangakong tala
Iniluwal ang Sanggol ni Maria
Sa Kanyang sabsabang payak at aba
Ating haranahin, alayan ng saya
Narito na ang Tagapagpalaya

"Hesus" tinawag Siya, hinirang ng Ama
Narito na ang Pasko ng paglaya
Bayang kinumutan ng mga tanikala
Ang ligalig ng gabi ngayon ay payapa
Narito na ang Sanggol na Mesiyas
Narito na ang Pasko ng paglaya
Report lyrics