.

Bituin Lyrics

Sa isang mapayapang gabi
k**inang ang marikit na bituin
At tumanod sa himbing na pastulan, nag-abang
Pagkagising ng maralita
Nabighani sa bagong tala, naglakad
At tinungo sabsabang aba

KORO:
Hesus, bugtong na anak ng ama
Tala ng aming buhay, liwanag
Kapayapaan, kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang 'Yong mga bituin
Sa isang pusong mapagtiis
k**inang ang marikit na bituin
At doon nanatili, nag-alab, nagningning
Taimtim nating kalooban
Ginawa Niyang Kanyang himlayan, dalanginan
Nilikha Niya'ng sabsabang aba (KORO 2x)
Report lyrics